• March 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KASAMA NG SENIOR CITIZEN KUNG MAGPAPABAKUNA, PINAYAGAN NA

PINAYAGAN na ng gobyerno na magdala ng kasama ang mga senior citizen at may commorbidity na magpupunta sa vaccination sitesĀ  o tinawag na Plus 1 strategy.

 

 

Sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na layon nitong mahikayat ang mga nakatatanda na magpabakuna na maging ang kasama nila sa bahay.

 

 

Paliwanag ni Vergeire, maaring kasambahay, kamag-anak o kasama sa bahay ang maaaring isama ng mga senior citizens .

 

 

Sa mga A3 o may comorbidity Plus 1, upang mapatunayan ng pangangailangan ng kasama na magtungo sa bakunahan, kailangan lamangahdala nh medical certificate.

 

 

Kabilang sa mga tinukoy na pasok sa programa ang mga A3 na may cancer, sumasailalim sa chemotherapy, sumailalim sa organ transplant o mahina ang katawan.

 

 

Sa ilalim ng A2 Plus 1 at A3 Plus 1, babakunahan na rinĀ  ang mga kasama ng mga nakatatanda at mga kuwalipikadong may comorbidity .

 

 

Ito ay para mas mahikayat ang mga A2 at A3 ay maturukan laban sa Covid 19

 

 

Bagamat sinabi ni Vergeire na sinusunod na ito ngayon ng ilang lokal na pamahalaan, sa loob aniya ng linggong ito lalabas ang resolusyon ukol sa pormal na pagpapatupad ng programa. (GENE ADSUARA)