• March 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Navotas nanguna sa may pinakamataas na ADAR

“Ito ang No. 1 na di natin gugustuhin”, Ang naging pahayag ni Mayor Toby Tiangco matapos manguna ang Lungsod ng Navotas sa may pinakamataas na Average Daily Attack Rate (ADAR) sa buong bansa simula Agosto 7 hanggang13, 2021.

 

 

Base sa pinakahuling ulat ng OCTA Research, 215% ang itinaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod. 41 ang average daily case noon, ngayon, ay 129 na.

 

 

“Dati, tayo ang may pinaka-mababang ADAR sa buong Metro Manila. Kung nakaya nating pababain ang mga kaso noon, sigurado akong kaya din natin ngayon”, ani Mayor Toby.

 

 

“Marami na tayong mga kapamilya, kaibigan o kakilala na nagkasakit o namatay dahil sa COVID-19. Wag nating hayaan na may madagdag pa rito”, dagdag niya.

 

 

Paalala ng alkalde sa mga Navoteño na palaging sumunod sa safety health protocols sa pamamagitan ng tamang pagsuot ng face mask para malabanan ang salot na COVID-19.

 

 

“Magpabakuna para magkaroon ng proteksyon. Kapag walang nahahawaan, namamatay ang virus. Wag itong hayaang makapaminsala pa ng buhay at kabuhayan”, pahayag niya. (Richard Mesa)