• March 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DAYUHAN NA TUMAKBO NG HUBO’T HUBAD SA RILES NG MRT, AALAMIN ANG ESTADO

IIMBESTIGAHAN ng Bureau of Immigration (BI) ang estado ng dayuhan na napaulat na tumakbo ng hubo’t hubad sa riles ng Metro rail Transit (MRT) sa Mandaluyong City.

 

 

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, aalamin nila ang pagkakakilanlan sa nasabing dayuhan, na ayon sa ulat ay nagtanggal ng kanyang damit at tumakbo ng hubo’t hubad patungo sa Shaw Boulevard station sa Mandaluyong City habnag iniispeksiyon ng mga security guard.

 

 

Sa ulat ng pamunuan ng  MRT, agad din naming naaresto ang dayuhan at nai-turn over sa Mandaluyong police.

 

 

“We will be coordinating with MRT officials to confirm the identity of this man.  We have received initial information about him already from the arresting agency,” ayon kay Morente.  “We will check his immigration status in the country, if he is legally staying here,” dagdag pa nito.

 

 

Ayon kay Morente, kung napatunayan na ang nasabing dayuhan ang illegal na naninirahan sa bansa ay sasailalim ito sa deportation proceeding. GENE ADSUARA