PNP handa sa posibilidad na extension ng ECQ
- Published on August 13, 2021
- by @peoplesbalita
Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na nakahanda sila sakaling palawigin pa ang implementasyon ng enhanced community quarantine sa Metro Manila.
Ayon kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, ipinatutupad lamang nila ang mga rekomendasyon kung ano ang iutos ng national government at health experts.
Aniya, ang mga Metro Manila mayors at opisyal ng Inter Agency Task Force (IATF) ang may karapatan na magsabi at magdesisyon kung dapat ang extension ng ECQ sa NCR .
Tanging tungkulin ng pulis ay masiguro na sinusunod ng mga nasa lansangan ang minimum public health standards kabilang na ang pagsusuot ng face mask at face shield.
Una nang nagpahayag ng posibilidad ang Department of Health ng extension ng ECQ sa NCR dahil sa pagtaas ng bilang ng COVID cases.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nanatili ang posibilidad bunsod na rin ng projections subalit kailangan pa ring pag- usapan ito ng IATF.
Isinailalim ang Metro Manila sa ECQ noong Agosto 6 na magtatagal hanggang Agosto 20 dahil sa banta naman mas nakakahawang ng Delta variant.