BI, MAG-OPERATE NG SKELETON WORKFORCE
- Published on August 6, 2021
- by @peoplesbalita
INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) na ang kanilang punong tanggapan, satellite at mga extension offices sa Metro Manila ay mag-operate ng skeleton workforces at iiksihan ang kanilang working hours kasunod ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Aug. 6.
Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na ang bagong work scheme ay ayon sa pagsunod sa direktiba ng National Capital Region (NCR) sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) mula Aug. 6 to 20.
Sa kautusan ni Morente, lahat ng tanggapan ng BI sa NCR ay sasailalim sa skeleton workforce ng at least 30 percent pero hindi hihigit sa 50 percent para sa kanilang operational capacity.
Dahil dito, bukas ang tanggapn simula sa August 6 ng 8 am hanggang 4 pm imbes na 5 pm.
Ipinagbabawal din ni Morente amng dine-in services sa lahat ng customers sa canteens at food kiosks sa BI main bldg. sa Intramuros, Manila. GENE ADSUARA