• March 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Libreng sakay sa rail lines sa mga may bakuna

Binalita ng Department of Transportation (DOTr) na may libreng sakay ang mga fully vaccinated na sasakay ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3), Light Rail Transit Line 2 (LRT2), at Philippine National Railways (PNR).

 

 

“The DOTR is offering the free rides beginning August 3 until August 20,” wika ni DOTr Secretary Arthur Tugade.

 

 

Ang mga authorized persons outside of residence tulad ng frontliners na mayron ng isang dose ng COVID-19 vaccines ay maaaring din na sumakay ng mga rails lines ng walang bayad.

 

 

Kinakailangan lamang na ipakita nila ang kanilang vaccination cards upang makasakay ng libre at walang bayad.

 

 

Ayon kay Tugade na mas mahalaga sa DOTr ang kalusugan ng mga mamayan kaysa ang kumita ngayon may pandemya.

 

 

Samantala, ang Light Rail Transit Line 1 (LRT1) na nasa ilalim ng private consortium ay hindi naman nagpahayag kung sila ay mayron din libreng sakay. Ang nasabing tatlong (3) rail lines ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng DOTr.

 

 

Ilalagay ang Metro Manila muli sa enhanced community quarantine simula August 5 hanggang August 20 dahil sa tumataas na bilang ng COVID 19 cases.

 

 

Ang LRT 2 ay mayron 13 na estasyon simula sa Recto hanggang Antipolo. Samantala, ang MRT 3 naman ay may 13 na estasyon na nagsisimula sa Pasay hanggang North Avenue. Ang PNR naman ay 20 na estasyon.  LASACMAR