• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 6:01 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcial pasok sa Q’finals

Kaagad nagpakita ng bangis si flag bearer Eumir Felix Marcial matapos magposte ng isang first-round stoppage sa kanyang Olympic Games debut.

 

 

Umiskor si Marcial ng isang RSC-I (Referee Stops Contest – Injury) win sa 2:41 minuto ng first round para sibakin si Algerian Younes Nemouchi sa kanilang round-of-16 middleweight fight.

 

 

Itinigil ni Slovakian re­feree Radoslav Simon ang bakbakan dahil sa pag-agos ng dugo sa kanang kilay ng Algerian galing sa isang head butt kay Marcial.

 

 

“Masaya po ako siyempre sa pagkapanalo. Hindi pa ito ‘yung last fight, marami pang fights na darating,” ani Marcial. “Kasama ‘yung mga coaches ko, pagha­handaan pa po namin ‘yung mga susunod na laban.”

 

 

Sasagupain ng 25-an­yos na tubong Zam­boanga City sa Linggo para sa bronze medal si Armenian Arman Darchinyan na tinalo niya sa faceoff noong 2018 world meet sa Russia.

 

 

Binigo ni Darchinyan si Andrej Csemez, 5-0, sa kanilang laban.

 

 

“Tinalo ko siya doon pero siyempre, itong Olympics talagang lahat naghanda para rito. Alam ko na handang-handa siya sa laban niya,” sabi ni Marcial.

 

 

Nabigo naman si flyweight Irish Magno na ma­duplika ang panalo ni Marcial nang yumukod kay Thai fighter Jutamas Jitpong.

 

 

Samantala, makiki­pagtuos si flyweight Carlo Paalam kay three-time Olympian Mohamed Flissi ng Algeria bukas ng umaga sa round-of-16.

 

 

Nagmula si Paalam sa pagpapatalsik kay two-time Olympian Brendan Irvine sa round-of-32.

 

 

Nauna nang tumiyak ng Olympic bronze medal si featherweight Nesthy petecio matapos gibain si Colombian Yeni Arias Castaneda kamakalawa.