• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 3:07 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

A2 group o grupo ng mga Senior, nananatiling pinakamababang hanay na nagpapaturok ng bakuna laban sa COVID-19

PATULOY ang panawagan ng paamahalaan sa mga senior citizens o mga lolo’t lola na magpabakuna na.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na ang mga lolo’t lola ang pinakadelikado sa pinangangambahang Delta variant na mas mabilis ang transmission kaysa sa nauna nang COVID 19.

 

“So success po tayo sa ating mga health frontliners. So ang medyo talaga pong mababang nagpapabakuna ay ang mga seniors. Naku, lolo/lola, kayo po ang pinakadelikado dito sa Delta variant, sana po ay magpabakuna na po kayo,” ayon kay Sec. Roque.

 

Tiniyak naman ni Sec. Roque na nananatili namang may special lane para sa mga seniors sa harap ng nagpapatuloy na prayoridad na ipinagkaloob ng pamahalaan para sa kanila para mabakunahan.

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Sec. Roque na tagumpay naman ang vaccination sa hanay ng mga nasa A1 group o sa panig ng mga health workers.

 

Tinatayang, nasa 90% na aniyang mga nasa medical workers ang nababakunahan na sa mga susunod na araw ay makukuha na ang 100%.

 

“So mayroon pong partial compliance at siguro po, kung tatagal pa ay hindi po malayo na talagang io-open na natin iyan for all ‘no, pero hindi pa po sa ngayon dahil mayroon pa tayong obligasyon po, lalo na doon sa mga donated na mga bakuna natin, na ipa-prioritize pa rin natin ang A1, A2 at A3. Ang A1 po ay halos tapos na tayo, 90% na po tayo diyan,” anito. (Daris Jose)