• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 3:08 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga nakakumpleto na nang bakuna sa Metro Manila, nasa trenta porsiyento -Malakanyang

PUMALO na sa 30% ang fully vaccinated sa Metro Manila.

 

Kaya positibo ang Malakanyang na malapit ng maabot ang containment sa National Capital Region (NCR).

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, 20% na lamang ay maaabot na ang containment sa Kalakhang Maynila na isa aniyang malaking bagay upang magbalik buhay na.

 

“At iyong sinasabi nga pong hard lockdown siguro po isang exception diyan iyong mga bakunado dahil mag-iingat pa rin po – mask, hugas, iwas. Pero, kung sila po ay mayroon ng bakuna, mayroon na talagang protection. So, tingin ko po talaga itong bakuna talaga ang susi sa ating pabalik doon sa ating pagbabalik-buhay,” anito.

 

Samantala, batay sa tala ng gobyerno ay nasa 7, 2 77, 312 na ang nakatanggap na nang kumpletong bakuna sa buong bansa.

 

Tinatayang, nasa mahigit 11 milyon naman ang kailangan pang sumalang sa 2nd dose upang tuluyan ng makamit ang full protection. (Daris Jose)