• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 6:31 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Extension ng travel restrictions sa 10 bansa, inaprubahan ni PDU30

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na i-extend o palawigin ang travel restrictions sa sampung bansa sa simula Agosto 1 hanggang Agosto 15 ngayong taon.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Hary Roque, kasama rito ang India, Pakistan, Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Oman, United Arab Emirates, indonesia, Malaysia at Thailand.

 

Sinuportahan naman ng IATF sa 130 meeting nito ang draft Joint Administrative Order hinggil sa Revied Standard Guidelines on the Strict Observance of Health Protocols in the Conduct of Licensure Examinations sa panahon ng Public Health Emergency and/or Pandemic na ginawa ng Department of Health, Professional Regulation Commission at Philippine National Police.

 

“The Department of Health (DOH), the Professional Regulation Commission (PRC) and the Philippine National Police (PNP) drafted this Joint Administative Order that shall govern all PRC licensure examinations for the duration of the public health emergency,” ayon kay Sec. Roque.

 

Matatandaang noong Hulyo 14, 2021 ay inaprubahan ng IATF ang ekstensyon ng travel restrictions para laamang sa 7 mga bansa gaya ng India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates at Oman hanggang Hulyo 31, 2021

 

Partikular na nilagdaan ang IATF Resolution No. 126.

 

Inatasan din ng IATF technical working group na muling pag-aralan at magbigay sa mga rekumendasyon sa nararapat na testing at quarantine protocols para sa mga byahero ng mga nasabing bansa at iba pang mga lugar na matutukoy na “high risk”.

 

Pinaalalahanan naman ni BI Commissioner Jaime Morente ang airline companies na huwag nang magtangkang magsakay ng mga pasahero sa naturang mga bansa upang hindi mapatawan ng kaukulang mga parusa sa ilalim ng umiiral na batas.

 

Sa mga pasahero naman na ‘fully-vaccinated’ na at buhat sa mga bansang binigyan ng ‘green tag’ ng BI, kailangan muna na sumailalim sila sa pitong araw na quarantine sa mga health facility bago makapasok sa bansa.Ang mga hindi pa nababakunahan ay kailangan pa ring sumailalim sa 10-araw na quarantine sa health facility ng bansa. (Daris  Jose)