• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 7:30 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Payo ni PDu30 sa kanyang successor na magdeklara ng martial law para maalis ang korapsyon sa pamahalaan, “expression of frustration” lang – Roque

NILINAW ni Presidential Spokesperson Harry Roque na “expression of frustration” lang ang naging payo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang naging successor na magdeklara ng martial law para maalis ang korapsyon sa pamahalaan.

 

“It should not be taken literally,” ayon kay Sec. Roque.

 

“I think tinututukan lang ni Presidente na napaka-embedded sa sistema ng gobyerno natin ang korapsyon na kung hindi mo tatanggalin ang lahat ng tao sa gobyerno ay baka hindi matigil,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

Sa pang-anim at huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte nagpahayag ito ng matinding galit sa “endemic” corruption sa pamahaaan.

 

“You cannot stop corruption unless you overturn the government completely. If I were the next president if you think there is a need for you to change everybody in the system, then you declare martial law,” ani Pangulong Duterte.

 

“It’s an expression of frustration, kumbaga dahil talagang gustong-gusto niyang linisin ang gobyerno pero he could not do it in six years time, hindi naman po literally ibig sabihin kelangan pa mag martial law pa para diyan,” dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte.

 

Sa ilalim ng 1987 Constitution, maaari lamang na mag-proklama n Batas Militar ang isang Pangulo sa mga situwasyon na may “foreign invasion” at rebelyon at malalagay sa panganib ang kaligtasan ng publiko. (Daris Jose)