9 PANG PUGANTENG JAPANESE NATIONAL, PINA-DEPORT
- Published on July 27, 2021
- by @peoplesbalita
PINABALIK sa kanilang bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang siyam na puganteng Japanese national na wanted sa Tokyo dahil sa telecommunications fraud.
Ang mga pugante ay umalis patungong Narita via Ninoy Aquino International Airport Terminal 1, kasama ang kanilang mga Japanese police escort .
Kinilala ang mga pina-deport na sina Matsuoka Shunjiro, Haga Kenji, Yoshizawa Shinichi, Takeda Tasuya, Araki Toshiya, Ogawa Takuma, Hiramura Takashi, Kiya Yasuke at Ichimura Shuichi.
Ang siyam ay kabilang sa sindikato na sangkot sa telecom fraud at extortion, na inaresto sa isang hotel sa Makati City noong November 2019 ng mga ahente ng BI’s Fugitive Search Unit.
“They were involved in voice phishing and telephone fraud operations that targeted Japanese,” ayon kay BI Commissioner Jaime Morente.
Matatandaan na sampu pa sa kanila ay pina-deport kamakailan upang harapin ang kanilang kaso sa Tokyo.
Ang mga pugante ay inilagay na rin sa BI’s blacklist upang hindi na makabalik ng bansa. (GENE ADSUARA)