Sotto ‘di lalaro sa Gilas sa Jordan at Indonesia
- Published on July 23, 2021
- by @peoplesbalita
Hindi na makakapaglaro si Kai Zachary Sotto para sa Gilas Pilipinas na sasali sa dalawang torneo sa buwang ito at sa papasok sa magkaibang bansa.
Ito ay sa King Abdullah Cup 2021 sa Amman, Jordan sa Huly 26-Agosto 3, at sa 30th International Basketball Federation Asia Cup 2021 Final sa Jakarta, Indonesia sa Agosto 17-29.
Ipinabatid ng handler ng 19-year-old, 7-foot-3 Pinoy cage phenom ang bagay sa Samahang basketbol ng Pilipinas Miyerkoles.
Idinahilan ang commitment na ni Sotto para sa Adelaide 36rs sa nalalapit na pagbubukas ng 44th National Basketball League-Australia 2021-22 sa Down Under.
Ang parehas na rason din ang nagpaliban sa basketbolista sa Gilas national training pool bubble camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna bilang paghahanda sa FIBA Asia Cup final.
Pa-Jordan ang national men’s basketball sa linggong ito na bubuuin nina Ange Kouame, Dwight Ramos, SJ Belangel, Isaac Go, RJ Abarrientos, Justine Baltazar, William Navarro, Mike Nieto, Carl Tamayo, Jordan Heading at Geo Chiu. (REC)