Nievarez planado na laban
- Published on July 23, 2021
- by @peoplesbalita
BUO ang magiging balak ni Cris Nievarez sa kanyang laban sa pinandemyang 32nd Summer Olympic Games 2020 rowing men’s single sculls ngayong Biyernes ng umaga pa ang opening ceremonies sa alas-8:00 nang gabi (alas-7:00 nang gabi sa Maynila).
“Ang goal lang naman is makalapit sa kung sino man ang magli-lead and try to sustain it kung kaya hanggang finish line,” salaysay Martes tapos ng praktis sa Sea Forest Waterway ng 21-anyos, 5-11 ang taas at isinilangsa Atimonan, Quezon.
Siya ang unang pambato ng bansa sa sa 19 na Olympian sa quadrennial sports meet sa Tokyo, Japan makaraang mag-qualify sa continental pick sa Asia Oceania Qualification Regatta sa Tokyo rin noong Mayo.
Lumanding si Nievarez na pangsiyam siya. Pero umangat sa pang-apat dahil sa pasok na sa Summer Games ang nasa pang-apat hanggang pangwalong rower sa Qualification. (REC)