• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 reproduction number sa NCR tumaas – OCTA

Tumaas ng may 11 percent ang average daily new cases sa Natio­nal Capital Region (NCR)  o may 701 mula July 13 hanggang July 19, mas mataas  sa dating daily average case na wala pang 700 kaso sa nagdaang  apat na linggo.

 

 

Ayon sa OCTA Research Team na ang pagbabagong ito ay isang bagay na dapat bigyang pansin ng pamahalaan dahil nakakaalarma ito kahit na masyado pang maaga para matiyak na magpapatuloy pa ang pagtaas ng kaso sa mga darating na  linggo.

 

 

Ayon sa OCTA team ang Maynila at  Makati ay pawang nakapagtala ng high reproduction numbers  na mula 1.1 at 1.4.

 

 

“This indicates an increasing trend in new cases in these two LGUs. Manila had a one-week growth rate of 35% while Makati had a one-week growth rate of 29%,” ayon sa OCTa group.

 

 

Ilang LGUs na may one-week growth rates ay Valenzuela, Pasay, Marikina, at Parañaque.

 

 

Ayon sa OCTA group sa labas ng  NCR,  ang Mariveles ang nananatiling “very high risk” sa COVID-19 habang ang Davao City, Cebu City, Bacolod, Iloilo City, Makati, Cagayan de Oro, Baguio City, General Santos, Laoag, Lapu Lapu, at Butuan  ay kinokonsidera nilang “high risk”.

 

 

Ang Maynila naman at  Laoag ay may matinding pagtaas ng bagong kaso sa araw-araw habang ang Cebu City, Laoag, Lapu Lapu, at Mariveles ay may sobrang taas na infection rates.