DTI tutol sa pagpapaluwag ng quarantine restrictions sa NCR
- Published on July 21, 2021
- by @peoplesbalita
Maging ang Department of Trade and Industry ay tutol na ilagay sa mas maluwag na “quarantine restriction” ang National Capital Region (NCR) at karatig na lalawigan sa Agosto kahit na nais nila na magtuluy-tuloy na ang pagsulong ng ekonomiya.
Ayon kay (DTI) Secretary Ramon Lopez, sapat na muna ang umiiral na general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila at hindi pa kailangang ibaba ito sa modified general community quarantine (MGCQ) dahil sa banta ng Delta variant ng COVID-19.
“I’m happy with the GCQ now na bukas ang mga economic activities. Ito ‘yung basta healthy balance na nakikita natin. We allow all essential, and even the non-essential na low-risk economic activities, so diyan babalik ang trabaho,” paliwanag ni Lopez.

Tugon ng DTI, payag sila ngunit hanggang 10 porsyento lamang ang idaragdag na kapasidad dahil nga sa banta ng Delta variant. (Daris Jose)