KYLA, dinamdam nang husto na nawala na naman ang kanyang pinagbubuntis; excited na pa naman na maging kuya ang anak
- Published on July 19, 2021
- by @peoplesbalita
DINAMDAM nang husto ng singer na si Kyla ang ikatlong beses na nakunan siya.
Babae pa naman ang pinagbubuntis ni Kyla at excited na ang anak nila ni Rich Alvarez na si Toby na maging isang kuya.
Ayon sa pinost ng singer sa social media: “My heart is broken in levels deeper than you may ever have imagined. Our little angel, please watch over me, your Daddy, and Kuya Toby. Send our hugs and kisses to your 2 siblings in heaven. We love you, our Millie.”
Nakatanggap si Kyla ng dasal at suporta mula sa kanyang mga kaibigan tulad nina Rachelle Ann Go, Karylle, Mark Bautista at marami pang iba.
Pitong taong gulang na ang panganay nila Kyla at Rich na si Toby at panay ang hiling daw nitong magkaroon ng kapatid. Noong 2018, dalawang beses na nag-suffer ng miscarriages si Kyla.
***
NAKA-MOVE on na raw si Kim Domingo sa pagpanaw ng kanyang best friend na si Angelo Fango noong nakaraang taon.
Inamin ng Kapuso sexy actress na dinamdam niya nang husto ang pagkawala ng best friend niya na katuwang niya sa paggawa ng mga content sa kanyang vlog sa YouTube kunsaan meron siyang higit na 600,000 subscribers.
“Ngayon kasi maraming nangyaring maganda sa buhay ko, sabi ko ‘Parang ang lungkot lang na kung kailan nandoon na, doon naman nawala.’
“Pero siyempre sabi ko nga, may dahilan naman din si Lord kung bakit nangyari ‘yon. So acceptance din talaga ‘yung kailangan,” sey ni Kim.
Tatanggap na rin daw ng trabaho si Kim pagkatapos niyang makumplemto ang kanyang bakuna. Sa ngayon daw ay puro virtual muna ang appearance niya sa gag show na Bubble Gang.
“Nami-miss ko na mag-taping, nami-miss ko nang mapuyat, na nakaka-miss din talaga kasi. Simula noong may pandemic hindi talaga ako nagtrabaho. Kahit studio hindi talaga eh, talagang ngayon pa lang ako ulit babalik,” diin ni Kim.
***
NAG-SHARE ang singer na si Halle Bailey sa social media ng first look para sa upcoming live-action Disney film na My Little Mermaid.
Sa pinost ni Bailey sa Instagram, makikita siya bilang si Ariel with matching mermaid tail sa may dalampasigan ng dagat sa Italy.
Patapos na raw ang shooting nila ng movie kaya pinayagan siyang mag-post ng photo. Three years in the making daw ang naturang pelikula at tumigl lang daw sila ng ilang buwan dahil sa pandemic last year.
“And just like that … that’s a wrap. After auditioning for this film when I was 18 just about to turn 19, to now finishing filming through a pandemic when I turned 21 … we have finally made it,” caption ni Bailey.
Makakasama ni Bailey sa live-action film ng My Little Mermaid ay sina Jonah Hauer-King as Prince Eric; Javier Bardem as King Triton; Melissa McCarthy as Ursula); and Awkwafina as Scuttle.
Wala pa rang confirmed playdate ang pelikula ayon sa Disney.
(RUEL J. MENDOZA)