Herd Immunity ng Pinas, posibleng abutin ng 2023
- Published on July 17, 2021
- by @peoplesbalita
Hindi malayong sa taong 2023 pa maabot ng Pilipinas ang herd immunity kontra COVID-19.
Ito ang pagtaya ng Philippine Vaccine Tracker matapos bumagal ang pagdating ng suplay ng bakuna nitong mga nakaraang linggo.
Sa datos ng PVT, mula July 9 hanggang kahapon ay bumaba ang bilang ng mga naturukan dahil sa pagkaantala ng dating ng mga bakuna sa bansa.
Pawang mga second dose lamang ang naiturok sa mga qualified recipient habang ang first dose ay pansamantala ring nahinto.
Sa kasalukuyan, nasa 8.87% pa lang ang nabigyan ng first dose habang 3.33% ang mayroong se-cond dose.
Hindi malayong sa taong 2023 pa maabot ng Pilipinas ang herd immunity kontra COVID-19.
Ito ang pagtaya ng Philippine Vaccine Tracker matapos bumagal ang pagdating ng suplay ng bakuna nitong mga nakaraang linggo.
Sa datos ng PVT, mula July 9 hanggang kahapon ay bumaba ang bilang ng mga naturukan dahil sa pagkaantala ng dating ng mga bakuna sa bansa.
Pawang mga second dose lamang ang naiturok sa mga qualified recipient habang ang first dose ay pansamantala ring nahinto.
Sa kasalukuyan, nasa 8.87% pa lang ang nabigyan ng first dose habang 3.33% ang mayroong second dose.