Metro Manila nagpa-flat trend na sa COVID-19 – OCTA
- Published on July 13, 2021
- by @peoplesbalita
Nakapagtala na ng ‘flat trending’ ang Metro Manila, Davao at Bacolod City makaraan ang mataas na bilang ng kaso sa mga nakalipas na linggo, ayon sa independent na OCTA Research Group.
Base sa COVID Act Now metrics, naitala ang ‘reproduction rate’ ng Metro Manila sa 0.91 buhat sa 0.90 mula pa noong Abril 21. Nangangahulugan ito na hindi nakapagtala ng mataas na pagbabago sa rehiyon sa mga nakalipas na linggo.
Nakitaan din ng ‘flat trends’ sa Davao City, Bacolod City, Cagayan de Oro City, General Santos City, Baguio City at Calamba City.