Pacquiao may ‘pasabog’ bago lumipad pa-Amerika
- Published on July 5, 2021
- by @peoplesbalita
Bago magtungo sa Amerika para ituloy ang pagsasanay sa boksing, may pasabog muna si Sen. Manny Pacquiao laban sa administrasyong Duterte.
Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, na ibinahagi sa kanila ni Senate President Tito Sotto ang pahayag ni Pacquiao na may ibubunyag sa media sa Sabado tungkol sa umano’y korupsyon sa pamahalaan.
Dahil sa kumpleto umano sa ebidensiya si Pacquiao kaya desidido ito na ibunyag ang katiwaliang nalalaman.
Sinabi pa umano ni Pacquiao na hindi siya magsasalita kung walang hawak na ebidensya.
Pinagsabihan din umano ni Pacquiao si Lacson at Senate president Vicente Sotto III na marami siyang bala laban sa administrasyon.Si Pacquiao ay magtutungo sa Amerika ngayong weekend para paghandaan ang laban kay Errol Spence Jr. sa August 21 sa Las Vegas, Nevada. (Daris Jose)