Mas maluwag na GCQ sa NCR Plus, possible
- Published on June 12, 2021
- by @peoplesbalita
Posibleng ibaba na sa general community quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR) Plus matapos ang Hunyo 15.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ito ay dahil bumubuti na ang sitwasyon ng COVID-19 dito kabilang na rin ang mababang hospital care utilization rate.
Sa Metro Manila umano ay gumanda na ang numero kung saan ang hospital care utilization ay nananatiling mababa na may 53% sa ICU beds na isa sa mga importanteng factor para sa escalation.
Kaya base umano sa numero, ang NCR Plus ay pababa na ang kaso ng virus kaya posibleng hindi na isaiĀlalim sa modified GCQ kundi ordinaryong GCQ na lang.
Sa ngayon ang NCR plus na kinabibilangan ngĀ Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna ay nananatili sa ilalim ng GCQ with restrictions hanggang June 15. (Daris Jose)