• June 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Saso ika-18, sinubi P417K

Tumirada si Yuka Saso nang pinakamagarang salpak sa apat na araw, three-under par 49 (35-34) sa likod ng limang birdie at dalawang bogey upang maka-three-under 285 sa pagtabla sa anim para sa ika-18 puwesto sa kadaraos na ¥120M (P52M) 14th World Ladies Championship Salonpas Cup 2021 sa East Course ng Ibaraki Golf Club sa Tsukubamirai City, Ibaraki Prefecture, Japan.

 

 

Malayo ang Fil-Japanese buhat sa San Ildefonso, Bulacan, 19, ng 11 strokes sa namayagpag na si home bet Yuna Nishimura na may 67-274 at kinopo ang ¥24M (P10.5M) sa  24th leg ng 12th Japan Ladies Professional Golf Association Tour (LPGAT) 2020-21.

 

 

May distansiyang tatlong palo si Nishimura sa tatlong mga kalahi na may identical 277s sa paghanay sa ikalawa-ikaapat na mga posisyon na may ¥9.4M bawat isa. (REC)