Tiger Woods patuloy ang pagpapagaling matapos ang madugong aksidente
- Published on May 29, 2021
- by @peoplesbalita
Patuloy na nagpapagaling si US golf superstar Tiger Woods.
Sa kaniyang social media account, nagpost ito ng larawan na nakasaklay.
Sinabi nito na prioridad niya ngayon ang makapaglakad ng mag-isa.
Ito ang unang paglabas niya sa media matapos ang madugong aksidente noong Pebrero 25.
Magugunitang nagtamo ng maraming sugat sa katawan at labis na tinamaan ang paa nito ng maaksidente ito sa Los Angeles.
Noong nakaraang mga taon ay sumailalim na rin ang 45-anyos na si Woods sa limang operasyon sa likod ganun di ang ilang operasyon sa kaniyang kaliwang tuhod.