OFW SA ISRAEL, HINDI MUNA MAGPAPADALA
- Published on May 21, 2021
- by @peoplesbalita
HINDI na muna magpapadala ng mga Pinoy overseas Filipino workers sa Israel.
Sa kumpirmasyon ngayon ni Labor Secretary Silvestre Bello III , sinabi nito na ang suspensyon ng pagpapadala ng manggagawang Pinoy ay dahil na rin sa nangyayari sa pagitan ng Israel at grupo ng hamas at iba pang armadong militante sa Palestine.
Sinabi ng kalihim na bagama’t may mga manggagawang Pinoy na naproseso na ang dokumento at nakatakda sanang umalis, hindi na sila matutuloy dulot ng panganib.
May pakikipag-ugnayan aniya sila sa Department of Foreign Affairs (DFA) para masigurong ligtas na sa mga OFW na magpunta ng Israel bago alisin ang suspensyon sa deployment (GENE ADSUARA)