• April 27, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DoH, tiwalang makukumpleto na ang pagtuturok ng Covid-19 vaccines sa mga nasa A1, A2, at A3 priority list

KUMPIYANSA ang Department of Health (DoH) sa patuloy na pagdating ng mga suplay ng Covid -19 vaccines lalo na ng AstraZeneca at Sinovac.

 

Dahil dito, malapit nang makumpleto ng DoH ang pagbibigay ng bakuna para sa mga nasa A1 at A2 priority list.

 

Sinabi ni DoH Usec. Myrna Cabotaje, sa kanilang pinakabagong datus, tinatayang nasa 1.1 million na ng mga nasa A1 category ang nakatanggap ng bakuna, mula sa target nilang 1.5m vaccines.

 

Ang ibig sabihin aniya nito ay umaabot na sa 74% ang nabibigyan nila ng vaccines, habang nasa 23% naman ang hindi pa nakatatanggap ng vaccines laban sa covid19.

 

Sa kabilang dako, tinatayang nasa 7.7m na ang nasa kanilang masterlist na kabilang sa A2 category ay aabot pa lamang sa 6% o 466,000 ang natuturukan ng bakuna.

 

Makikita rin ani Cabotaje sa hawak nilang reportĀ  na karamihan ng A2, A3 ay matatagpuan sa NCR, CALABARZON, at Region III na pawang mga binuhusan aniya ng mga bakuna.

 

Sinabi pa rin niya na maging sa ibang rehiyon din umano ng bansa ay kakaunti pa lamang ang natuturukan ng Covid-19 vaccines kung saan umaasa aniya sila na sa pagdating pa ng mas maraming bakuna ay makukumpleto na ang pagbibigay ng vaccine para sa mga nasa A1, A2 at A3 priority group. (Daris Jose)