PDu30, pinasalamatan si President Putin para sa 15k doses ng SputnikV
- Published on May 6, 2021
- by @peoplesbalita
PINASALAMATAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Russian President Vladimir Putin para sa delivery o paghahatid ng inisyal na 15,000 doses ng Sputnik V Covid-19 vaccines sa Pilipinas.
“With the added shipments arriving from Russia, let me thank the Russian people, the government and President Putin for their kind-hearted support for the Filipinos,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi.
Ang 15,000 doses ng Sputnik V vaccines na nakuha ng gobyerno ay dumating sa bansa noong Mayo 1.
Sinaksihan naman ng mga opisyal ng National Task Force (NTF) Against Covid-19, sa pangunguna ni vaccine czar, Secretary Carlito Galvez Jr., Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, at Russian Ambassador to the Philippines Marat Pavlov ang pagdating ng mga bakuna na gawa ng Gamaleya Research Institute of Epidemiology and Microbiology.
Ayon kay Galvez, ang initial doses ng nasabing bakuna ay nakatakda sanang dumating noong Abril 28 subalit naantala dahil sa “logistical challenges.”
Ang Sputnik V ay nangangailangan ng storage temperature na “minus 18 degrees Celsius at below (frozen solution).”
Sinabi naman ni Deputy chief implementer at testing czar Vince Dizon na limang local government units sa Metro Manila gaya ng Maynila, Taguig, Makati, Paranaque, at Muntinlupa ay makatatanggap ng inisyal na 3,000 doses ng bakuna simula sa araw ng Martes.
Aniya, ang pilot rollout ay kailangan para ma-assess at review ang ibang logistical requirements.
Sinabi ni Galvez, na ang Piilipinas ay nakapag-secure ng kabuuang 10 milyong doses mula sa Gamaleya subalit ang nasabing bilang ay maaaring dumobe.
Sa pagdating ng Sputnik V, ang bansa ngayon ay mayroong tatlong brands ng Covid-19 vaccines sa imbentaryo nito gaya ng CoronaVac mula sa China’s Sinovac Biotech, at AstraZeneca mula sa British-Swedish manufacturing company ng kahalintulad na pangalan.
Ang Sputnik V ay nakapag-secured na ng emergency use authorization (EUA) mula sa Food and Drug Administration (FDA) ng PIlipinas. (Daris Jose)