Pag-aaral ng mga developed countries sa natuklasang pananatili ng Covid -19 sa loob ng anim na buwan sa mga tinamaang pasyente, gumugulong na
- Published on April 29, 2021
- by @peoplesbalita
KASALUKUYAN nang sinisimulan ngayon ang pag-aaral ng mga developed country ukol sa natuklasan ng mga eksperto na kondisyon ng mga Covid-19 patients na nakararanas pa rin ng sintomas ng virus ng hanggang anim buwan na tinatawag na long COVID o long haulers.
Sinabi ni Inter-Agency Task Force (IATF) sub- technical working group member on data analytics Dr John Wong na nakita ng mga Foreign health experts na 20 hanggang 30 porsiyento ng mga pasyente ang mayroon pa ring covid19 symptoms makalipas ang anim na buwang gamutan.
Aniya, hindi pa batid ng karamihan ang kondisyon na ito at wala pang nadidiskubreng epektibong gamot laban dito.
Kabilang ang bagay na ito sa mga dapat na matutukan ng pamahalaan lalo pa’t halos nasa isang milyon na ang covid cases sa bansa.
Wala namang ideya si Wong kung may mga ginagawa nang pag-aaral ang Pilipinas ukol sa bagay na ito dahil hindi naman umano siya involved sa anumang clinical study ukol dito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)