RABIYA MATEO, deserving maging Miss U PH kaya ipinagtatanggol ng kapwa kandidata
- Published on October 28, 2020
- by @peoplesbalita
PINAGTANGGOL ang hinirang na Miss Universe Philippines Rabiya Mateo ng kapwa candidate niya na si Miss Davao City Alaiza Malinao.
Umabot sa Top 16 si Malinao at to the rescue siya ni Mateo sa nag-akusa rito na siya ay nandaya. Pinost ni Malinao ang pagtatanggol niya kay Mateo sa kanyang Instagram Stories.
In her first post, nagpaabot siya ng congratulations kay Mateo at sinabing “so deserving” ito sa title na Miss Universe Philippines.
In another post, Malinao shared a video kunssan gandang-ganda siya sa “small, beautiful face” ni Mateo.
Dinagdag pa ni Malinao na si Mateo ang mag-makeup sa sarili nito at wala itong glam team tulad ng akusasyon ng isang talunang kandidata.
“Siya lang po nagme-makeup sa sarili niya. She worked hard! She’s fair! She did not cheat. She is a deserving winner! Congratulations, Rabiya Mateo, our Miss Universe Philippines 2020. She is our queen!” caption ni Malinao na isa sa early favorites ng pageant. (RUEL J. MENDOZA)