Guce sumalo sa ika-40 Puwesto, sinubi P48K
- Published on April 22, 2021
- by @peoplesbalita
BINIRIT ni Clarissmon ‘Clariss’ Guce ang pinakamagarang hampas sa apat na araw sa one-under par 71 para sa two-over 290 sa pagtabla sa lima sa ika-40 katayuan na may $993 (P48K) sa 16th Symetra Tour 2021 third leg – $200K 1st Casino Del Sol Golf Classic nitong Abril 16-19 sa Sewailo Golf Club sa Tucson, Arizona.
Buwenamanong gana ito ng 2016 two-time ST leg titlist sa kasalukuyang taon mula sa magkasunod na kamalasan, mintis sa finals ng unang dalawang yugto ng ‘Road to the Ladies Professional Golf Association Tour’ nitong Marso.
Iwan nga lang ng 17 palo sa kabuuan ang 30 taong-gulang na Pinay na hineta ang ama at nakabase na sa Estados Unidos, kay Ruixin Liu ng China, kinopo ang ang ikalawang sunod na korona sa pagdaig kay Morgane Metraux ng Switzerland sa second hole playoffs dahil sa identical 215 ng dalawa sa regulation play.
Pipiliting malampasan ni Guce ang finish na ito sa muling pagsalang sa fourth leg $200K 1st Copper Rock Championship sa Abr. 23-25 sa Copper Rock Golf Course sa Hurricane, Utah. (REC)