Malakanyang, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ni Sec. Sitoy na pumanaw na
- Published on April 20, 2021
- by @peoplesbalita
NAGPAABOT ng pakikiramay ang Malakanyang sa pamilya, mahal sa buhay at mga kasama ni Secretary Adelino Sitoy of the Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) na pumanaw na sa edad na 85.
Para sa Malakanyang, nakatulong si Sitoy sa pakakapasa sa mga mahahalagang legislative reform measures ng Duterte administration.
Bilang pinuno ng PLLO, tinitiyak nito na mayroong mas malakas na Executive-Legislative collaboration para makapagpalabas ng genuine at pangmatagalang pagbabago sa pamamagitan ng batas.
“We pray for the eternal repose of the good Secretary. Out thoughts and prayers are with him and his family,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.