• April 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VOTERS REGISTRATION SUSPENDIDO

NAGLABAS ang Commission on Election ng advisory kaugnay ng suspension sa voters registration at ng voters certification sa kabila ng pagbaba ng quarantine status sa NCR.

 

 

Epektibo ang  suspensiyon simula ngayong araw, Abril 12  hanggang sa Abril 30.

 

 

Bukod sa NCR , Bulacan , Cavite , Laguna  at Rizal,  suspendido rin ang naka- schedule na voter registration  at voters certification  sa Santiago City, Isabela, Abra, Quirino at iba pang mga lugar na nasa ilalim ng ECQ o MECQ ng kanilang local gov’t unit.

 

 

Tuloy naman ang voter registration at voter certification  sa nalalabing mga lugar sa bansa na nasa ilalim ng GCQ at MGCQ mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.

 

 

Bukas naman ang Comelec office para sa  overseas voting  sa Intramuros Maynila patr sa mga aplikante na may urgent travel needs sa panahon ng mecq period. (GENE ADSUARA)