Tinusok na ako – Bersola
- Published on March 22, 2021
- by @peoplesbalita
TINURUKAN na ng Coronavirus Disease 2019 vaccine si Premier Volleyball League (PVL) star Katherine Adrielle Bersola ng BanKo Peras Spikers.
Base isa isang tweet nitong isang araw lang ang kumumpirma sa hakbang ng 24 na taong gulang, may taas na 5-11 at tubong Parañaque City na dalaga.
“Vaccines work,” sey ng dalawang taong beterano ng PVL na isang professional women’s indoor volleyball league na kapag nagbukas sa huling lingo ng Mayo makalipas ang Metro Manila training camp bubble sa Abril.
“Finally Still gotta keep our masks on and continue with our safety protocols! Hoping we all get vaccinated soon.#COVID19Vaccine #VaccinesWork. And no, I’m not thanking our gov’t. Y’all really need to do better for everyone. Please. One. Year. Na,” panapos na pahayag ni Bersola.
Ang Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna ang planong maging lugar ng liga sa Open Conference, sang-ayon kay PVL at Sports Vision Management Group, Inc. president Richard Palou. (REC)