• June 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KASO NG COVID SA MPD, UMABOT NA SA 77

UMABOT na sa 77 ang kaso ng tinamaan sa Covid 19 sa hanay ng kapulisan ng Manila Police District matapos itong madagdagan .

 

 

 

Ayon kay  MPD chief Police Brig. Gen. Leo Francisco na  karamihan sa mga pulis na nagpositibo sa sakit ay mula sa  MPD station 11 sa Binondo.

 

 

 

Ayon pa kay Francisco, sa MPD station 11 lamang ay nakapagtala na ng 59 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mga pulis.

 

 

 

Kaya naman nanatiling nakalockdown ang istasyon bagamat mayroon lamang nakaduty na isa hanggang dalawang pulis para magbantay.

 

 

 

Ilan sa mga tinamaan ng sakit ay nasa Delpan quarantine facility kung saan sila nagpapagaling.

 

 

 

Ang ibang mga pulis lalo na ang closed contacts ng mga positibong kaso, o may sintomas ay pinapa-swab test, na sagot ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

 

 

 

Sa MPD headquarters naman, halos araw-araw na nagsasagawa ng fogging/disinfection, na isa sa precautionary measures kontra COVID-19. (GENE ADSUARA)