JODI, tahimik lang at wala pang inaamin sa relasyon nila ni RAYMART kahit na patuloy ang pahaging ni CLAUDINE
- Published on March 19, 2021
- by @peoplesbalita
KAHIT na patuloy na may pahaging sa kanya si Claudine Barretto, tahimik lang si Jodi Sta. Maria.
In fairness, wala pa naman inaamin sina Jodi at Raymart Santiago, ang ex ni Claudine, sa kung ano ang tunay na estado ng kanilang relasyon.
Trabaho lang ang inaasikaso ni Jodi sa ngayon. Magtatapos na ngayong gabi ang Ang Sa Iyo Ay Akin, na pinagbibidahan niya kasama sina Sam Milby at Iza Calzado.
For seven months ay tinutukan ng mga Kapamilya viewers dahil sa magandang kwento nito at mahusay na performances ng mga artista.
Matapos man ang show, matinding impact naman in terms of acting ang hatid ng artista nito. Wala kang itulak-kabigin sa cast. Lahat ay mahuhusay.
The series prides itself sa matinding tagisan sa acting nina Jodi at Iza, na tiyak na maglalaban bilang best actress sa TV series, kasama rin sina Ms. Maricel Soriano at Rita Avila.
Hindi rin dapat kalimutan ang suportang ibinigay ni Simon Ibarra na sobrang husay sa kanyang papel bilang main kontrabida.
Inaasahan na mas mataas na viewership ang makukuha ng Ang Sa Iyo ay Akin sa ending nito ngayong gabi.
Curious siyempre ang audience kung ano ang magiging ending ng tapatan ng karakters nina Jodi at Iza? Sino sa kanilang dalawa ang mananaig sa huli?
Certainly, Ang Sa Iyo ay Akin ay isa sa mga paboritong serye ng Kapamilya Channel sa panahon ng pandemya.
***
BUKOD sa superb acting ng cast, hindi rin malilimutan ang nabuong loveteam nina Grae Fernandez at Kira Balinger sa Ang Sa Iyo Ay Akin.
Isa naman dependable na loveteam ang nabuo ng Kapamilya network kina Grae at Kira.
Hindi mapagkakaila ang remarkable chemistry ng dalawang bagets. At kapwa rin mahusay umarte kaya mas lalong enjoy silang panoorin.
Marami na nga nagwi-wish ma magkaroon ng romantic relationship sina Grae at Kira. Pero sabi nila they are just enjoying the friendship and each other’s company.
For sure, mami-miss nina Kita at Grae ang isa’t-isa now that magtatapos na ang kanilang show. (RICKY CALDERON)