• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Halos 10-K na pulis ipapakalat sa NCR

Nasa kabuuang 9,634 police personnel ang ipapakalat at ang pagtatalaga ng nasa 373 checkpoints sa ibat ibang strategic areas dito sa Metro Manila ang ipatutupad ng PNP kasunod ng implementasyon ng uniform curfew hours epektibo simula  March 15,2021.

Ayon kay PNP OIC Lt Gen. Guillermo Eleazar may mga police augmentation forces din ang ide-deploy mula sa PNP Highway Patrol Group (HPG), Reactionary Standby Support Force (RSSF) at iba pang units na inatasan noon na magsagawa Red Teaming operations.

 

 

Magsisimula ang curfew hours mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga layon nito na lahat ay susunod sa minimum health safety standard protocol.

 

 

Siniguro ni Eleazar na magkakaaroon ng malakas na police visibility sa kalakhang Maynila. |Daris Jose)