96 hired-on-the-spot sa mega job fair sa Navotas
- Published on July 2, 2025
- by @peoplesbalita
BILANG bahagi ng pagdiriwang ng ika-18th Navotas Cityhood Anniversary, nagsagawa ng Mega Job Fair ang Navotas Public Employment Service Office (PESO) kung saan mahigit 60 partner companies ang nagbukas ng job opportunities para sa mga Navoteño na naghahanap ng trabaho.
Mayroon ding booths ang mga government agencies tulad ng SSS, PAG-IBIG, at PhilHealth para sumagot ng mga katanungan ng mga aplikante. Binati naman ni Mayor John Rey Tiangco ang 96 aplikanteng Hired-on-the-Spot. (Richard Mesa)