• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

904 Jeepney drivers sa Malabon, tumanggap ng cash relief assistance

MATAGUMPAY na naisagawa ang pamamahagi ng cash relief assistance para sa 904 Jeepney drivers sa Lungsod ng Malabon, bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa pagbibigay ng ligtas at maaasahang serbisyo sa mga MalabueƱo. Ayon kay Mayor Jeannie Sandoval, ang tulong na ito ay para maibsan ang kanilang gastusin at mapanatili ang kanilang kabuhayan sa kabila ng patuloy na hamon sa ekonomiya. (Richard Mesa)