81-ANIBERSARYO NG BATTLES FOR MANILA, GINUNITA
- Published on February 4, 2026
- by @peoplesbalita
GINUNITA ang ika-81 anibersaryo ng Battles for Manila sa St. Paul University sa Manila, Pebrero 3, Martes ng umaga.
Nagsama-sama ang ilang matataas na opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa pamumuno ni Manila Mayor Isko Moreno, kasama si Manila Vice Mayor Chi Atienza , mga beterano, mga diplomatic community at kinatawan ng iba’t ibang bansa, para mag-alay ng bulaklak at bigyang pagkilala ang katapangan at pagmamahal sa bayan ng mga Filipino noong panahon ng World War II upang makamit ang pag-asa at demokrasya.
Ayon kay Mayor Domagoso ang aral sa Battle for Manila ay malinaw, walang siyudad na nakaligtas na mag-isa.
Sinabi pa ng alkalde na ang katatagan ngayon ay tungkol sa kahandaan , nagsisimula bago dumating ang krisis–kapag ang mga tao ay nabalaan sa oras at kapag alam ng gobyerno kung paano kumilos.
“The rebuilding of Manila after the early was not the work of one sector one institution or one nation. It was a product of bayanihan– cooperation of local, National, and international partners in both private and public sectors”.
Diin ng alkalde, ang parehong diwa ng bayanihan ay kailangan ngayon para magtulungan ang National at local governments, pakikipagtulungan sa mga allies at institutions pagbabahagi ng responsibilidad para sa kapayapaan, kaligtasan at pagbabago.
“Your presence reminds us that after the war cooperation helped citing rise again– that even today peace is sustained not by isolation, but by partnership”, anang alkalde ng Maynila.
Ayon pa kay Mayor Domagoso, itigil na ang poot at magsama-sama– iisang puso,iisang damdamin, iisang diwa.
“May the memorya of the Battles for Manila continue to guide us– not to Ward anger but towards Unity and peace,” pagtatapos ni Mayor Domagoso .
Ayon kay Sister Ma. Evangeline Anastacio Presidente ng St. Paul University of Manila ang nasabing unibersidad ay naging saksi sa kasaysayan kung saan kinikilala ang alala ng mga nagtago, nagkubli at nagbuwis ng buhay sa nasabing unibersidad. (Gene Adsuara)