• April 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

800 PULIS IPAPAKALAT SA UNDAS SA MAYNILA

IPAPAKALAT ng Manila Police District (MPD) ang may 800 na kapulisan sa mga sementeryo sa lungsod bilang paghahanda sa Undas 2023.

 

 

Ayon kay MPD Chief Police Col. Thomas Ibay, nasa 450 ang kanyang idedeploy sa loob at labas ng Manila North Cemetery habang 350 naman sa Manila South Cemetery.

 

 

Dagdag pa ng bagong talagang Direktor ng MPD na maagang ipapakalat sa Sabado ,Okt.28 ang kanilang mga kapulisan.

 

 

Ayon pa kay Ibay, bukod sa idineploy na mga pulis sa semeteryo, may mga karagdagang nakalatag ding pwersa ng MPD at NCRPO kaugnay ng BSKE 2023.

 

 

Nakakatulong din sa dalawang aktibidad ang iba’ t ibang hanay ng mga force multipliers mula sa pribado at pampubliko.

 

 

Habang nakatutok at nakaalerto rin ang mga nag-iikot na bike, mobil, motorcycle, patrol unit ng mpd sa mga pamilihan, pampublikong lugar o pasyalan upang mapanatili ang kaligtasan ng mga ManileƱo sa lungsod. GENE ADSUARA