• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 10:52 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

8 pang dayuhan dinakip sa isang minahan sa Isabela

PITONG Chinese at isang Taiwanese national ang inaresto sa isang mining site sa Sitio Dimakawal, Barangay Bukal Norte, Dinapigue, Isabela ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Anthony Viado.

Isinagawa ang operasyon ng BI Intelligence Division (ID) Regional Intelligence Operations Units (RIOU sa Cordillera Administrative Region, Regions 2 and 3, BI-ID Main Office, katuwang ang Armed Forces of the Philippines, National Bureau of Investigation–Isabela District Office, Philippine Navy, Philippine Army, Dinapigue Isabela Police Station, at iba’t ibang government intelligence forces.

Ayon kay BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan Jr. na nag -ugat ang operasyon dahil sa sumbong na may mga dayuhan ang nagtatrabaho sa nasabing minahan.

Ang nasabing mga dayuhan ay inaresto dahil sa paglabag sa Philippine Immigration Act of 1940 dahil sa pagtatrabaho na walang kaululang working permit at pagtatrabaho sa labas ng kanilang kumpanya.

“Illegal mining not only destroys our environment but also deprives our country of valuable natural resources,” ayon kay Viado . “Foreign nationals who come here to exploit our land without respect for our laws will face arrest, detention, and deportation. This is a clear message that the Philippines will not tolerate such activities,” dagdag pa niya.

Ang kanilang pagkakaaresto ay kasunod ng naunang pagsalakay sa isa pang minahan sa Masbate kung saan 9 na Chinese national ang inaresto.

Ang walong inaresto ay inilipat sa Maynila para sa booking at saka dadalhin sa BI detention facility sa Taguig. (Gene Adsuara)