• November 30, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: December 1, 2025
    Current time: December 1, 2025 7:56 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

8 katao, laglag sa sugal, shabu sa Valenzuela

KULUNGAN ang kinasadlakan ng walong na kalalakihan kabilang ang tatlong drug suspects nang maaktuhan ng pulisya na naglalaro ng illegal na sugal sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.
Sa kanyang ulat kay Valenzuela Police chief P/Col. Joseph Talento, sinabi ni PSSg Janine Buenaventura na habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Bignay Police Sub-Station 7 sa Casarival Northville 1, Brgy., Bignay nang matiyempuhan nila ang dalawang kelot na nagsusugal umano ng ‘Lucky 9’ sa tabi creek dakong alas-2:15 ng madaling araw.
Hindi na nakapalag ang dalawa nang arestuhin nina PCpl Roniel Reyes at PCpl Bryan Bagtas at nakumpiska sa kanila ang bet money at playing cards habang ang isang plastic sachet ng umano’y shabu ay nakuha kay alyas “Raymart”, 29, scraper.
Nauna rito, alas-3:30 ng hapon nang mahuli sa akto ng mga tauhan ng Gen T De Leon Police Sub-Station 2 na nagsasagawa ng Oplan Galugad ang dalawang lalaki na nagsusugal naman ng cara y cruz sa Demetillo St., Brgy., Gen. T De Leon.

Nakuha sa kanila nina Pat. Elmer Olieca at Pat. Julious Cesar Demition ang bet money at pangara habang ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu ay nasamsam kay alyas “Jim”, 44, street sweeper.

Bandang alas-8:30 naman ng gabi nang maaktuhan din nina PCpl John Ray Laredo at Pat. R-Jay Tagnong, kapwa ng Paso De Blas Police Sub-Station 1 ang dalawang binata na nagla-lucky 9 sa F. Lazaro St., Brgy. Canumay West.

Nasamsam sa kanila ang bet money at gamit na playing cards habang ang isang plastic sachet na naglalaman ng suspected shabu ay nakuha kay alyas “Rene”, 25, carwash boy.

Sa Brgy., Maysan, alas-12:15 ng hating sabi nang mahuli rin sa akto ng mga tauhan ni Karuhatan Police Sub-Station 9 Commander P/Capt. Joan De Leon ang dalawang lalaki na nagka-cara y cruz sa Marcelo Street.

Nasamsam sa kanila nila PSSg Usman at Pat. Baladad ang bet money at gamit na pangara habang ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at nakuha kay alyas “Toper”, 52, ng Brgy. Malinta. (Richard Mesa)