• January 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

7 katao, timbog sa sugal, droga sa Valenzuela

SHOOT sa selda ang pitong kalalakihan kabilang ang tatlong drug suspects matapos mahuli sa aktong naglalaro ng illegal na sugal sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Joseph Talento na alas-12:45 ng tangahali nang maaktuhan ng mga tauhan ng Police Sub-Station 2 ang dalawang lalaki na nagka-cara y cruz sa isang bakantang lote sa Rosario St., Brgy. Gen T De Leon.
Hindi na nakapalag ang dalawa nang arestuhin ng mga pulis at nasamsam sa kanila ang bet money, pangara at isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nakuha kay alyas “Willy”, 32, ng Brgy. Parada.
Nauna rito, timbog naman sa mga tauhan ng Ugong Police Sub-Station 8 ang tatlong kelot makaraang mahuli sa aktong naglalaro ng sugal na cara y cruz din sa tabi ng creek sa Sapa St., Brgy. Bagbaguin bandang alas-10:40 ng gabi.
Nakumpiska sa kanila ang bet money at pangara habang ang isang plastic sachet na nagalaman ng hinihinalang shabu ay nakuha kay alyas “”Jerome”, 32, ng Brgy. Mapulang Lupa.
Alas-4:15 naman ng hapon nang maaresto ng mga tauhan ng Dalandanan Police Sub-Station 6 ang dalawang lalaki habang nagka-cara y cruz sa GML Village, Brgy. Lingunan. Nakuha sa kanila ang bet monet at pangara habang ang isang plastic sachet ng umano’y shabu ay nasamsam kay alyas “John”. (Richard Mesa)