• April 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

6 NA MANILA POLICE NA INARESTO NG MAKATI POLICE, IIMBESTIGAHAN

NAGSASAGAWA na ng parallel investigation ang Manila Police District (MPD) kaugnay sa pagkakarekober ng anim na personnel nito na nakatalaga sa Malate Police station 9 na inaresto ng Makati Police sa pamamagitan ng hotline pursuit operation dahil sa umano’y pagkakasangkot sa holdapan.

Ayon kay MPD spokesperson at PIO chief Major Philippine Ines,ang isinasagawang parallel investigation ay upang malaman ang totoong nangyari.

Sa ulat, nangyari ang panghoholdap umano ng anim na pulis Maynila sa Arsonbel Street , Barangay San Isidro, Makati City alas 7:48 ng gabi noong Enero 28.

Ayon sa mga biktima , nakatagpo nila ang dalawang babae sa Malate, Manila at dinala sila sa Arsonbel upang kunin ang mga gamit ng mga babae.
Pagdating sa lugar, biglang may grupo ng mga armadong lalaki na nagtuturo ng baril at pinadala ang mga biktima itinali ang kanilang mga kamay at sapilitang kinuha ang kanilang mga gamit.
Matapos ang insidente ay saka umalis ang mga pulis sakay ng kanilang mga motorsiklo.
Wala pang ibang detalye o pahayag na inilalabas ang pamunuan ng MPD kaugnay sa pagkakasangkot at pag-aresto sa kanilang mga tauhan.
Ang anim na pulis na kapwa nakatalaga sa Station Drug Enforcement Unit ay sinibak na sa pwesto . (Gene Adsuara)