6 milyong metric tons ng basura nahakot sa cleanup drive ng SMC
- Published on May 1, 2024
- by @peoplesbalita
UMAABOT sa 6 milyong metriko tonelada ng basura ang nahakot ng San Miguel Corporation (SMC) sa isinagawang clean up drive sa mga ilog sa Metro Manila.
Kabilang sa nakuhang mga basura ang nasa 3 milyon tonelada sa flood prone area sa lalawigan ng Bulacan at mag-uugnay sa bayan ng Meycauayan, Obando, Bulakan, Bocaue, Marilao, Balagtas at Guiguinto.
Ayon kay SMC President and CEO Ramon Ang, ito ang pinakamalawak at mahabang clean up drive na kanilang ginawa na sinimulan noong pang 2020 sa ‘heavily-polluted’ river systems na Pasig River, Tullahan River, at San Juan River.
Nabatid na halos 1.2 milyon metriko tonelada ng basura ang nahakot sa Pasig River; 1.1 milyon tonelada sa Tullahan River, at halos 320,000 tonelada sa San Juan river mula 2020 hanggang ngayon.