6 arestado sa tupada sa Valenzuela
- Published on March 31, 2021
- by @peoplesbalita
Anim katao kabilang ang tatlong senior citizen at isang bebot ang arestado matapos salakayin ng pulisya ang isang illegal na tupadahan sa Valenzuela city.
Kinilala ni Northern Police District (NPD) PBGEN Nelson Bondoc ang mga naaresto na si Francisco Valenzona Jr., 61, Hermande De Jesus, 61, Willington Grefalda, 73, Jay-Jay Samonte, 31, Larry George Diamante, 27, Fish Vendor at Mary Jane Dupalco, 32, fish vendor.
Ayon kay PBGEN Bondoc, nakatanggap ng impormasyon mula sa confidential informant ang mga operatiba ng NPD District Special Operation Unit (DSOU) hinggil sa nagaganap na illegal na tupadahan sa Galas St., Brgy. Bignay, Valenzuela City.
Kaagad bumuo ng team ang mga operatiba ng DSOU sa pangunguna ni DSOU OIC PMAJ Amor Cerillo sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Allan Umipig, kasama ang 4th MFC-RMFB NCRPO sa pangunguna ni company commander PLT Abe Lunggami.
Dakong alas-11:30 ng umaga nang salakayin ng pinagsamang team sa pamumuno ni PMAJ Cerillo ang naturang lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
Ani PSSg Allan Reyes na kasama sa operation, narekober ng team sa lugar ang dalawang panabong na manok na may tari at P2,300 bet money sa magkakaibang domination na nakuha naman sa collector kasador na si Valenzona. (Richard Mesa)