• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 6:46 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KAUNTI na lamang ang Chinese ships sa Escoda (Sabina) Shoal dahil sa masamang panahon.

 

 

Ito ang sinabi ni National Maritime Council (NMC) spokesperson Undersecretary Alexander Lopez sabay sabing ang kalikasan ay kakampi ng Pilipinas.

 

 

“Kung ang time frame natin is before yung umalis ang (BRP Teresa) Magbanua marami talaga. Pero nung umalis yun Magbanua, kumonti din sila especially now yun masama ‘yung panahon,”ang paliwanag nito.

 

“One good thing about here, the nature is our ally. Bagyo ay kakampi natin,” ang sinabi pa rin ni Lopez.

 

Tinukoy ni Lopez ang BRP Teresa Magbanua, umalis na ng shoal noong nakaraang linggo. Ang BRP Teresa Magbanua ay nasa Shoal simula noong Abril dahil na-accomplished na nito ang kanyang misyon.

 

Ito ay nasa bisinidad ng Escoda Shoal kung saan ang BRP Teresa Magbanua ay makailang ulit na binangga ng China Coast Guard (CCG), sinasabing ang barko ay nagpipilit pumasok sa Chinese territory.

 

At nang tanungin naman kung panahon na para humingi ng saklolo ang Pilipinas sa mga kaanib nito sa pag-escort sa vessels nito na nasa routine supply missions sa karagatan, sinabi ni Lopez na “that was not how it works.”

 

“We have a dignity as a nation. Kaya pa naman natin. Siguro when push comes to show, when worst comes to worst, and that will be a executive decision whether we will to accede their request,” aniya pa rin.

 

Sa ngayon aniya ay sapat na ang ‘statements of support’ mula sa mga kaalyado ng Pilipinas.

 

Bagama’t ang government-to-government agreements aniya gaya ng ‘grants, at probisyon ng ‘ships and assets’ sa Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy (PN) ay mas malaking tulong dahil mapahihintulutan ang mga ito na mas maayos na makapag-patrolya sa pinagtatalunang lugar.

 

“Just imagine sa laki din ng kabila. Kung ganun sila kadami mag-deploy dapat ganun din tayo para hindi tayo mabully,” ang binigyang diin ni Lopez.

 

Suportado naman ni Lopez ang suhestiyon ni Senador Francis Tolentino na umarkila ng foreign ships para palawakin ang maritime fleet ng bansa.

 

“Habang wala pa tayo talagang atin, it’s an option mag-arkila tayo. Maganda ang suggestion ni Senator Tolentino,” aniya pa rin.

 

“In fact, pinag-iisipan na ‘yun dati,” ang sinabi pa rin ni Lopez. (Daris Jose)