• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 2:22 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

50% discount ng students sa LRT, MRT hanggang 2028

MAGTATAGAL  hanggang sa taong 2028 ang 50% fare discount para sa mga estudyante sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT).
Alinsunod na rin ito sa direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na pagaanin ang mga education-related expenses ng mga estudyante.
Nabatid na ang naturang fare discount, na naging epektibo noon pang Hunyo 2025, ay aplikable para sa mga estudyante mula sa kindergarten hanggang graduate school.
Kasama rin dito ang mga estudyante ng Alternative Learning System (ALS) at Special Education (SPED) programs.
Sa ilalim ng programa, ang mga eligible na estudyante ay makakatanggap ng 50% diskwento sa pasahe, tuwing sasakay sila ng tren, ng walang daily o monthly limit.
Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, “Kapag nakakatipid ng pamasahe ang isang pamilya, mas mara­ming oportunidad para magamit ito para sa mga aklat at educational tool na kailangan nila. Malaking ginhawa ito para sa ating mga estudyante.”
Kinumpirma naman ng DOTr na ang proyekto ay ipinatutupad na ng lahat ng Metro Manila train lines.
Nakatakda na rin umano nilang ikasa ang pilot “Libreng Sakay” programs sa Cebu at Davao, gamit ang mga modernong jeepney at mga bus sa mga piling ruta.