• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 11:16 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5 ‘tulak’, laglag sa Malabon, Navotas at Valenzuela drug bust

UMABOT sa P169K halaga ng shabu ang nasamsam sa limang tulak ng droga matapos masakote ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon, Navotas at Valenzuela Cities.

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, alas-12:30 ng Huwebes ng madaling araw nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ssa buy bust operation sa C4 Road, Brgy. Tañong sina alyas “Aris”, 48, (pusher/listed) at alyas “Albert”, 33, kapwa ng lungsod, matapos magsabwatan na bintahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakumpiska ng mga tauhan ni Col. Baybayan sa mga suspek ang nasa 9.6 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P65,280 at buy bust money.

Dakong alas-11:55 ng gabi nang madakma sina alyas “Mate”, 54, at alyas “Ping”, 52, kapwa ng Brgy. Ugong, matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng mga operatiba ng Valenzuela Police SDEU sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Joan Dorado sa buy bust operation sa Mc Arthur Highway, Brgy. Malanday, Valenzuela City.

Sa kanyang ulat kay Valenzuela police P/Col. Nixon Cayaban, sinabi ni PMSg Ana Liza Antonio na nakuha sa mga suspek ang abot 20 grams ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P136,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill at walong pirasong P1,000 boodle money, cellphone at P200 recovered money.

Nauna rito, alas-7:38 ng gabi nang matiklo ng mga tauhan ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes sa buy bust operation sa Goldrock St., Brgy. San Roque, Navotas City ang isang tulak ng droga at nasamsam sa kanya ang humigi’t kumulang 10.00 gramo ng shabu na may standard drug price value na P68,000.

Pinuri ni P/Col. Josefino Ligan, Acting District Director ng Northern Police District ang mga operatiba sa kanilang walang humpay na pagsisikap sa paglaban sa illegal na droga. (Richard Mesa)