5 INARESTO NG NBI SA PAMIMILIT AT PANGINGIKIL
- Published on February 26, 2022
- by @peoplesbalita
INARESTO ng mga ahente ng Bureau of Investigation (NBI) ang limang indibidwal dahil sa kasong Grave Coercion at Robbery Extortion.
Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang mga suspek na sina Rowena Nava y Cuision, Jeffey Brequillo y Sanchez, Norman Solsona y Abella, Lando Banzon y Manio at Efren Dela Pena Y Bulura.
Ayon kay Distor, nag-ugat ang nasabing operasyon dahil sa reklamo ng isang complainant na nagmamay-ari ng isang lupa na sinasabing pag-aari din ng mga suspek. Nanghihingi rin ng pera ang mga ito kapalit na pagsasauli sa kanya ang nasabing lupa.
Dahil dito, nagreklamo ang complainant sa NBI at nitong February 16, 202 isinagawa ang operasyon ng mga operatiba ng NBI-Anti Violence Against Women and Children Division (NBI-AVAWCD) sa isang mall sa Quezon City kung saan magkikita ang complainant at mga suspek at kunwang ibibigay nito ang hinihinging pera na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto. (GENE ADSUARA)