• April 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5 GRUPO, SUPORTADO KAY FL LIZA ARANETA MARCOS

NANINIWALA ang limang grupo hinggil sa akusasyon kay First Lady Liza Araneta Marcos ay isang malaking kasinungalingan, paninirang puri at isang malawakang pag-atake sa isang public servant.
Ayon kay Dr. Jose Antonio Ejercito Goitia, Ph.D., Chairman Emeritus of Four Philipinism Nationalist Democratic Advocacy groups kabilang ang People Alliance for democracy and Reform (PADER), Alyansa ng Bayan para sa KAPAYAPAAN at DEMOKRASYA (ABKD), Liga Indipendencia Pilipinas ( LIPI) at Filipinos Do Not Yield ( FDNY- Movement) na ang akusasyon laban sa FL ay isang kalkuladong hakbang upang siraan ito matapos na lumabas sa post na isinasangkot ito sa pagkamatay ni Paolo Tantoco.
Ayon pa kay Goitia na ang lumabas sa post ay hindi lamang isang malaking kasinungalingan kundi ito ay isang kalkulado at duwag na hakbang upang siraan ang isang babae na sa kabila ng lahat ay patuloy na naglilingkod sa bansa.
Dagdag pa nito na nasabing blotter na kumalat nang malawakan ay pinabulaanan na ng Konsulado ng Pilipinas sa Los Angeles at maging ng MalacaƱang. Wala itong sa mga opisyal na pagkakakilanlan o tanda ng isang tunay na dokumento mula sa Estados Unidos. Ito ay gawa-gawa lamang na idinisenyo upang iligaw ang publiko.
Kilala rin ni Goitia ang Unang Ginang bilang isang taong may mataas na pinanghahawakang pamantayan para sa kapakapakan ng bayan, pamilya at para sa kaniyang sarili at nakakalungkot umano na makita ang pangalan niya na nakaladkad sa putikan. Tama na nasa Estados Unidos siya noon pero wala siyang kinalaman sa pagpanaw ni Paolo Tantoco. Pawang kasinungalinan lamang na ginagamit upang magdulot ng galit at pagkalito.
Isa rin itong tsismis at direktang pag-atake, upang sirain ang kanyang reputasyon.
Ayon pa kaay Goita na may mga batas upang papanagutin ang mga taong nas alikod nito kabilang ang Cyber Libel (RA 10175) para panagutin ang mga tao sa online na paninirang-puri; Falsification of Public Documents (Article 171 Revised Penal Code) dahil ang paggawa ng mga pekeng ulat; Safe Spaces Act (RA 11313) na nagpoprotekta sa kababaihan, kabilang ang mga naglilingkod sa bayan mula sa panliligalig batay sa kasarian.
Nanawagan din siya sa Department of Justice (DOJ) DOJ at Department of Interior and Local Government ( DILG) na magsagawa ng malalalimang imbestigasyon at tukuyin ang mga taong nasa likod nito
Nakakabahala din aniya na ang pagkalat ng mga peeking balita ay tila nagiging normal at ito ay nakakabahala kaya kinakailangan umanong itaas ang antas paraa sa makatotohanang pampublikong paghahayag at tanggihan ang nakakalason na kulturang mga mapanlinlang na kasinungalingan.
Ayon pa kay Goitia, kassama ang kanyang grupo na patuloy ang kanilang pagsupornta kay FL. (Gene Adsuara)
Sent from my iPhone